#PandiHistory #BulacanProvince #NungAraw #OriginsOfFilipinoPlaces
Nung Araw
@nungarawORIGINS OF FILIPINO PLACES
🔎 Détails (profil + refresh) ouvrir
Texte → vidéo TikTok IA
Tu écris le prompt, on génère la vidéo.
Sa mga kwento ng kabayanihan, madalas ay mga lalaki lamang ang naaalala sa mga pakikipagsagupaan. Ngunit sa gitna ng malalawak na bukirin sa Pampanga, umusbong ang isang pangalang yayanig sa hukbo ng mga mananakop, at ito’y walang iba kundi si Lola Simeona Punsalan Tapang. Ang kanyang apelyido ay naging tadhana; siya ay naging simbolo ng purong tapang sa gitna ng daluyong. Bago pa man ang pagsalakay ng mga Hapon, si Lola Mameng ay isa nang masugid na tagapagtanggol ng mga maliliit. Bilang organisador ng Katipunang Pambansa ng mga Magsasaka sa Pilipinas, ipinaglaban niya ang karapatan sa lupa. Dahil sa kanyang radikal na paninindigan, ikinulong siya ng mga Hapon. Ngunit ang bakal na rehas ay hindi kayang ikulong ang isang pusong nagnanais ng pagkakapantay-pantay at laya. Pagkalabas ng bilangguan, hindi siya nagtago. Sumanib siya sa Apalit Squadron 104, isa sa pinakamalakas na hukbo ng Hukbalahap (Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon). Dito, isinilang ang kanyang alyas na, Kumander Guerrero. Inilarawan siya ni Luis Taruc bilang isang babaeng may lakas ng lalaki. Malimit siyang nakasuot ng damit-panlalaki, asintado sa paghawak ng riple, at may boses na nangingibabaw sa bawat sagupaan. Sa kanya, ang digmaan ay walang kasarian—tanging paninindigan. Ang pinakarurok ng kanyang kagitingan ay naganap noong 1944 sa Labanan sa Barrio Mandili, Candaba, Pampanga. Sa gitna ng putok ng mga baril at usok ng pulbura, pinangunahan ni Kumander Guerrero ang matagumpay na paggapi sa mga puwersang hapones. Hindi lamang siya nakipaglaban; siya ang namuno sa firing line. Sinundan pa ito ng sunod-sunod na engkwentro sa bayan ng Arayat, Pampanga, kung saan ang pangalang Guerrero ay naging katumbas ng takot para sa mga kaaway, at pag-asa para sa mga Kapampangan. Walang nag aakala na ang nasa likod ng alyas na Kumander Guerrero ay isa palang babae. Matapos ang World War II, hindi doon natapos ang laban ni Lola Mameng. Kahit pumanaw ang kanyang asawang si Pablo, taong 1949, ay nanatili siyang tapat sa kanyang simulain. Para sa kanya, Ang paglaban ay hindi nagsimula, at natatapos sa World War II. Patuloy niyang ipinaglaban ang katarungang panlipunan para sa mga katulad niyang magsasaka at ang pagkilala sa mga kapwa niya beterano ng digmaan. Nabuhay siya nang matagal sa katahimikan at kahirapan, hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay nang siya ay kilalanin bilang isang nabubuhay na beterano. Noong 2014, iginawad sa kanya ang Most Outstanding Kapampangan Award, bilang pagkilala sa kanyang sakripisyo at nakakamanghang ambag para sa bayan. Subalit, noong June 30, 2015, sa edad na 93, ay pumanaw ang huling babaeng kumander ng Hukbalahap. Iniwan ni Lola Mameng ang kanyang anak na si Ligaya, at ang isang pamanang kailanman ay hindi na mabubura, at ito ay ang katotohanang ang mga babae ay hindi lamang ilaw ng tahanan, at tagapag-alaga sa likod ng mga trencherya, kundi mga pinuno din na handang tumayo para harapin ang tiyak na panganib. Si Kumander Guerrero, o Simeona Punsalan Tapang sa totoong buhay, ay patunay na kapag ang bayan ay nasa panganib, walang pinipiling kasarian ang kabayanihan. Siya ang babaeng may pangalan ng mandirigma, may puso ng magsasaka, at kaluluwang kasing-tibay ng bakal. #SimeonaTapang #KinulayangLarawan #NungAraw
Ganito nagsimula ang Guiguinto ♥️ The Beginnings of Guiguinto, Bulacan! #GuiguintoHistory #BulacanProvince #NungAraw
Ganito nagsimula ang Mecabayan ♥️ The Beginnings of Meycauayan City, Bulacan! #MeycauayanHistory #BulacanProvince #NungAraw
Kasaysayan ng Calumpit, Bulacan 🇵🇭 #CalumpitHistory #BulacanProvince #NungAraw
When was the last time you saw these Cattle-drawn Caravans? 😊 #NungAraw #Reimaginations
Sa mga bulubundukin at kapatagan ng Bicol, may isang pangalang binibigkas nang pabulong ng mga kalaban, ngunit isinisigaw nang may pag-asa ng mga naaapi. Siya ang tinatawag na “Turko”—isang bansag na noo’y kasing-kahulugan ng mabagsik at malagim para sa mga mananakop na hapon. Marami ang hindi nakaintindi sa kanya. Sa kayunayan sa mata ng iba, siya ay may prangka at nakatatakot na kilos. Ngunit sa likod ng kanyang matinding awra ay isang pusong nag-aalab para sa kalayaan ng Bayan. Siya ang patunay na sa panahon ng kadiliman, hindi kahinahunan ang kailangan, kundi isang apoy na kayang tumupok sa mga nagnanais umalipin sa kanyang mga mamamayan. Isinilang si Francisco “Turko” Boayes Y Dames noong October 4, 1910. Taglay niya ang dugo ng pinoy at banyagang lahi—siya ang panganay na anak ni Ishmael Ayyash, isang Jewish-Syrian national na nakipagsapalaran sa Pilipinas, at ni Agapita Jimenez Dames, isang mestisang Kastila na taga-Daet. Magkaganoon pa ma’y, hindi sa karangyaan nahubog ang kanyang pagkatao. Maagang naulila sa ama si Turko. Bilang panganay, itinaguyod at ginampanan niya nang husto ang responsibilidad bilang panganay ng pamilya. Doon sa maingay at maputik na pamilihang bayan ng Daet, siya ay naging isang kargador. Bawat sako na kanyang pasan at bawat pawis na tumulo ay naging lakas ng kanyang katawan at isipan. Ang kanyang inilaang sakripisyo pala sa pagbubuhat ng mabibigat ay paghahanda sa kanya ng tadhana para sa mas malaking pasanin ng kanyang buhay. Dahil noong m sumiklab ang WWII, hindi nagtago si Turko, bagkus ay naging katuwang siya ng noo’y Tenyente Wenceslao Vinzons. Binuo nila ang kauna-unahang pangkat ng mga gerilya sa Bicol, at dito lumabas ang kahusayan ni Turko. Kasama ang mga katutubong Aeta na armado ng pana at palaso, hinarap nila ang mga Hapon. Noong December 1941 sa Laniton, ginulantang nila ang kalaban. Ang pinakamadugong patunay ng kanilang tapang ay ang pagsalakay sa Kapitolyo noong April, 1942. Sa loob lang ng tatlong araw, ay napalaya na nila ang mga bilanggo at nabawi ang bayan ng Daet, at ito’y nakapagdulot ng malaking pinsala sa mga kalaban. Subalit, nang madakip at paslangin ng mga hapon si Vinzons, maraming gerilya ang nawalan na ng pag-asa. Pero, hindi si Turko. Mula sa kawalang pag-asa, tinipon niya ang mga nalalabing tapat na tauhan at itinindig ang sarili niyang hukbo. Kinilala si Turki bilang kanilang Pinuno. Mula sa mga bundok, bumaba sila upang iligtas ang buhay ng 30 Amerikano at Pilipinong bihag sa Naga na nasa bingit na ng kanilang kamat*yan. Dahil sa kanyang kabayanihan at sa tulong ng mga Amerikanong kanyang nailigtas, pormal siyang kinilala at itinaas sa ranggong Koronel. Nang matapos ang digmaan, naglingkod siya Col. Boayes bilang appointed Mayor sa bayan ng Daet. Noong 1968, iginawad sa kanya ni Pres. Marcos ang Gintong Medalya—ang pinakamataas na karangalan para sa isang beterano. Ngunit, Makalipas ang pitong taon, February 21, 1975, binawian ng buhay ang magiting na Koronel at dating Alkalde ng Daet sa edad na 65 na taong gulang. Ang kanyang alaala ay nanatiling buhay at matatag sa puso ng kanyang mga kababayan. Bilang patunay ng kanyang walang-kamatayang pamana, noong ika-22 ng Abril, 2022, ang dating Kampo ng Ika-501 Batalyon sa Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte ay pormal na pinalitan ng pangalan. Ito ay tinawag nang Camp Col. Francisco "Turko" D. Boayes. Kasabay nito, isang panandang itim na marmol ang inilagay malapit sa pasukan bilang simbolo ng pagpupugay sa kanyang walang hanggang kadakilaan. #FranciscoBoayes #KinulayangLarawan #NungAraw
Sous-titres IA en 1 clic
Vidéo importée → version prête à poster.
Si Faustino Guillermo ay ipinanganak sa Sampaloc, Maynila noong 1860. Siya ay isang Katipunerong kaakibat nina Andres Bonifacio sa pakikidigma laban sa mga Español. Ngunit nang dumating ang bagong mananakop—ang mga Amerikano—natagpuan nito ang sariling sumuko sa Malabon taong 1900. Sa madilim na panahong iyon ay tila ba natuldukan na ang himagsikan nang isa-isa sa mga rebolusyonaryo’y manumpa ng katapatan sa bandila ng amerika. Ngunit ang alab ng pag-ibig sa bayan ay hindi nasusupil ng anumang panunumpa. Sa San Francisco del Monte, muling nagliyab ang apoy. Ang Katipunerong sumuko ay naging isang taga-recruit. Palihim siyang nagtipon ng mga kalalakihan, naghasik ng binhi ng paglaban sa lupaing akala ng dayuhan ay lubos na nilang nasakop. Nang siya ay maaresto ay ginawa siyang impormer ng pulisya, ito ay hindi naging tali sa kanyang kamay, kundi naging isang mapanlinlang na balabal sa kanyang mithiin. Ginamit niya ang bawat sandali ng kalayaan upang muling magbalik sa kabundukan at bumuo ng Bagong Katipunan. Sa kanyang pag-akyat, kasama ang kanyang mga kaibigan at kakilala, naglakbay sila sa mga gubat ng Rizal at Bulacan. Sila ang Puso ng Paglaban na patuloy na tumitibok. Ang kanilang pagkain ay nagmumula sa mga tapat na mamamayan ng mga baryong kanilang makadaupang palad—patunay na buhay ang diwa ng bayanihan para sa kalayaan. Ito ang naging Taktikang pandigma sa ilalim ni Gen. Luciano San Miguel, na siyang humirang kay Guillermo bilang isang Colonel. Ang kanyang pangalan ay naging katatakutan sa hanay ng Philippine Constabulary (PC) at Philippine Scouts nung araw, na nagsangkot sa kanya sa hindi bababa sa 15 na matitinding labanan. Siya ay hindi lamang matapang na mandirigma, kundi isang taktiko. Upang takutin ang mga kalaban, ginamit niya ang matinding parusa, na ang mga espiya na pumapasok sa kanyang hanay ay inililibing nang hanggang sa leeg, at hinahayaang papakin sa kagat ng malalaking hamtik ang ulo at mukha ng mga ito—isang malinaw na mensahe para sa mga taksil. Isa sa pinakamapangahas niyang ginawa ay nangyari noong July 15, 1902, nang atakihin niya ang dati ring rebolusyonaryong sumapi sa mga amerikano na si Gen. Licerio Geronimo—isa sa namunong pat*yin si Heneral Lawton. Nasugatan ni Guillermo si Geronimo na tumakas habang nakasuot lamang ng damit-panloob. Sa pagtakas na iyon ni Geronimo ay isinuot ni Guillermo ang uniporme ng PC ni Geronimo at siya’y nagpanggap bilang siya. Sa San Jose, Bulacan, ginamit niya ang pagbabalatkayo sa mga kaaway. Pumasok siya sa garison, at sa ilalim ng kanyang pekeng awtoridad, inutusan niya ang Sarhento na iporma ang kanyang hanay. Sa sandaling iyon, sumugod ang kanyang mga tauhan. Hindi lamang niya nabihag ang buong garison at nasamsam ang kanilang mga armas, kundi napapayag din ang totoong opisyal doon upang sumama sa kanyang hanay. Ang kakayahang gumamit ng talino at tapang upang paikutin ang sistema ng mananakop laban mismo sa kanila, at hikayatin ang mga Pilipinong nag-aalangan na bumalik sa panig ng Inang Bayan. Subalit, sa madugong labanan sa Corral-na-Bato nagtapos ang lahat. Napat*y si Gen. San Miguel, at 34 ng kanilang kasamahan, habang nakatakas naman si Col. Guillermo, ngunit noong June 10, 1903, siya ay nadakip, at kinunan pa ng larawan na ating pinatingkad at pinaganda dito sa Nung Araw page. Siya ay hinatulan sa salang Bandolerismo (Tulisan) ng korte, na may kaparusahang kamat*yan. Ang nakaririmarim na desisyong ito ay inayunan ng Korte Suprema na noo’y pinamumunuan ng mga Pilipinong opisyal, tulad nina Cayetano S. Arellano at Florentino Torres na nagtatag ng partido federal. Tanging ang Amerikanong si Associate Justice John Mcdonough ang tumutol, at nagrekomenda ng habambuhay na pagkakakulong kay Col. Guillermo. Sa huli, si Col. Faustino Guillermo ay umakyat sa bitayan sa Plaza ng Pasig, Rizal noong May 20, 1904. Siya ay 44 taong gulang lamang. #FaustinoGuillermo #KinulayangLarawan #NungAraw
#ElementarySchool #Memories #Philippines #90s #NungAraw
Bringing the Old Saulog Transit Bus to Life within an entirely fictional setting. #LumangBus #fictional
Bringing a Vintage Saulog Transit Bus to Life, 1970s ♥️ #NungAraw In the past, Saulog Transit buses were a familiar sight on the road from Cavite to Santa Cruz, Manila—rugged, straightforward vehicles carrying daily commuters, students, and workers through dusty provincial highways and into the busy heart of the city, becoming a nostalgic symbol of Caviteño travel during that era. Step into a nostalgic glimpse of the philippines’ memorial past—childhood memories, everyday moments, and the stories that shaped who we are. from the simple joys of our childhood days to the places and traditions that have faded with time, this page brings back what was lost, preserved, and cherished. discover trivia, rare visuals, and meaningful fragments of our history. relive the laughter, and the innocence of our younger days only here at Nung Araw channel. follow us for more journeys into the filipino memory.
Remembering a time when communities stood as one, living not as neighbors, but as family. #NoongAraw #Bayanihan
Old Edsa-Malibay-Taft Southbound, 1992. #NoongAraw #Pasay
Edsa Central-Crossing Mandaluyong, 1992 #NoongAraw #Mandaluyong
Bringing Nostalgic Ride to Life: Saint Raphael Transit Bus, 1965-1966. Cavite city—Santa Cruz Manila route. #NungAraw
- Je compte uniquement les vidéos ≥ 60 secondes (tu m’as dit que <60s = pas pris en compte).
- Calcul sur les 30 derniers jours (dans la limite des 35 dernières vidéos qu’on a dans le JSON).
- RPM estimé : 0.6€/1k vues (range 0.42–0.78) basé sur ER + save rate + durée moyenne.
- Résultat: 27€ sur 30j (range 19€–35€), pour 45.34K vues éligibles et 4 vidéos ≥60s.
- Emoji + note /10 = performance globale de la vidéo (views + ER + saves).
- ER = (Likes + Commentaires + Partages) / Vues • Save rate = Sauvegardes / Vues.
- Badges “Au-dessus / En dessous” = comparaison directe à la moyenne de TON compte.
Importe ta vidéo, et Vexub génère une vidéo sous-titrée prête pour TikTok, Reels ou Shorts. Pas de montage, pas de prise de tête.
- Reconnaissance vocale IA → texte propre
- Sous-titres syncro automatiquement sur la vidéo
- Format vertical optimisé pour les vues